Lunes, Hulyo 19, 2010

Lord puwede na ba magtanong ngayon kung bakit?

Naku di ko makaklimutan minsan nasabi kong "Lord ngayung pwede na ba magtanong kung bakit?". Kasi ni minsan di sumagi sa isip ko na maitatanong ko ito sa kanya.


Di sa pagbubuhat ng bangko pero isa ako sa mga taong Optimistic. Lahat ng bagay at pangyayari lagi kong binibigyan ng kahulugan, mapa pangit na pangyayari. Tanda ko dati nung nag tratrabaho ako bilang crew ng KFC kakasahod ko lang, winithdraw ko lahat ng sahod ko sabay nadukot ahehe... Syempre medyo nalungkot ako kasi nabaliwala yung paghihirap ko ng 2 linggo, napakadami ko pa naman pinawis sa paglilinis ng store at pag huhugas ng mga kagamitan. Idagdag mo pa yung mga pangyayari na may nakakaharap kang mga customer na akala mo kung itrato ka e alila nila haha.. Pero pagkatapos nun, sinabi ko na lang sa sarili ko swerte pa ako kasi wala akong sakit baka malaki pangangailangan nung nandukot na yun kaya ginawa nya yun., sana lang wag nya sa masama gamitin.

Sa lahat ng mga problemang dumating sa akin, ( Bago pa ako magkasakit) ni minsan di ako nagtanong ng bakit ba kailangan mangyari sa akin ito. Lagi ko tinitignan yung magagandang bagay. Pero di ko namn sinasabing perpekto ako no, may pagka maldita rin ako, ang ini emphasize ko lang dito e, ako yung taong hindi mo madaling mapalungkot ng dahil sa problema.

Nang bigla nga akong magkasakit, unang pasko at bagong taon sana namin bilang matatawag na pamilya, e hindi kami magkakasama. Kasi nasa ICU ako. kasama ko naman ang asawa ko kasi pumayag sila na pumasok ang bantay nung pasko at bagong taon. At yung anak ko na 7 buwan pa lang noon e nasa magulang ko. Kahit andun ako sa sitwasyong agaw buhay ang nasa isip ko pa rin "thy will be done".

Ang nakakatuwa nito nung ilabas na ako ng hospital, di ako pinalabas ng hospital hanggat di ko kayang makatagal umupo, kasi noon 15 minutes na di ako nakahiga nahihilo na ako nagbabago na agad ang BP ko. 
Nung mag isa na ako sa kuwarto, tinignan ko sarili ko sa salamin, waaaaa halos di ko makilala ang sarili ko. Bagsak ang kaliwa kong mukha tapos duling pa huhuhu... ok pa sana yun e kasi puwede naman ako mag shade di na lang ako ngingiti di na halata ^_~ parang pasuplada effect na lang. Ang masama di ako makalakad. Ilang beses ko sinubukan kaso lagi akong nasasaktan, bumabagsak ako kahit saang dereksyon.. paharap,patalikod,patagilid. Hanggang humampas ng matindi ang mukha ko sa tiles namin, noong araw na yun na troma na ako. Ayoko ng subukan ulit tumayo na walang tao sa Paligid ko na sasalo sa akin.

Nung minsan naiwan akong mag isa sa kuwarto. Nasilip ko ang anak ko mula sa bintana. Nasa crib naglalarong mag isa. Di sya iyakin, di sya mahirap alagaan. Parang alam nya na di sya dapat mag inarte. Nung mga oras na yun, Gusto kong tumayo para laruin sya, kaso di kaya ng paa ko, bigla kong nakita yung sacred heart of jesus namin napatanong ako " Lord pwede na ba ngayun mag tanong kung bakit?" bakit kailangan kong malumpo, bakit kailangan ako ang dapuan ng Guillan Barre Syndrome na yan. Bakit? 

Nung mga panahon na yun, halos mawalan na ako ng pananampalataya sa kanya. Gusto ko ng mamatay sabi ko sa asawa ko. Biglang sinabi sa akin ng asawa ko " huwag naman, Ipinagdasal ko pa naman na sana mabuhay ka at willing akong alagaan ka basta buhay ka lang tapos gusto mong mamatay?" . Nang mga oras na yun napangiti ako. at natigilan. Ngayon alam ko na kung bakit.. alam ko na ang dahilan... hindi ang dahilan kung bakit ako ang nalumpo at ang dahilan bakit ako ang dinapuan ng sakit na GBS. .. Ang alam ko na kung bakit binigyan pa ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon mabuhay. Kasi hiniling ng mga mahal ko sa buhay. At para rin masubaybayan ko ang pag laki ng anak ko.

Ngayon 7 taong gulang na ang anak ko at di siya nawawala sa honor role. Kasi nasusubaybayan ko sya.. Yun.. yun ang dahilan kung bakit andito pa ako. Biglang pumasok sa isip ko. Baka nung mga oras na agaw buhay ako, at  yung mga panahon na ang tumutulong na lang sa akin huminga e ang respirator.. baka ng mga oras na yun e oras ko na para mawala sa mundo. Binigyan lang ulit ako ng isa pang pagkakataon, ng pangalawang buhay kasi hiniling ng mga mahal ko sa buhay at dahil mahal nya ako :) Amen!

2 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hello anna!

next time na kursunada kong mag-inarte, babasahin ko tong blog mo. ang bangis! naalala ko noon sabi mo sakin pagdating ng college, magstruggle ka talaga kasi gusto mong maabot ang mga pangarap mo. congratulations! di mo ko binigo sa mga expectations ko sayo. don't worry, we'll (those who REALLY cares for you) be here for you. God bless tol!

marx

Rhosim ayon kay ...

Thanks Marx! yeah I do struggle halos di na nga ako matulog sa pag aaral hehe.. kaso, di ko naabot talaga yung gusto ko maabot career wise.

Minsan talaga hindi natin hawak ang panahon. No matter how you plan your life to be, Hindi natin madidiktahan ang panahon sa pwedeng manguari sa atin. So we have to be ready always in all consequences na mahaharap natin. And what ever and where ever our destiny came. Kailangan natin tanggapin ito. kung hindi naging maganda... hindi natin kailangan mag mukmok the whole life. We need to think ano ba ang dapat natin gawin to make it worthwhile kahit na hindi ito yung expected natin na mangyari ^_^.

Thanks For Reading Marx :)