Sabado, Hulyo 24, 2010

Every Body Deserves a second chance

Naku, di ko makaklimutan ang isa sa naging problema namin ni Nikoy nung di pa kami kasal. Isang problemang marami ang nakaranas in short isang problemang pangkaraniwan... Ano yun? hayss ang walang kamatayang 3rd party :-)

napakadali kong ma turn off, lalo na kapag pangit ang ugali ng lalake, dahilan kung bakit medyo may edad na ako nung magka boy friend. Ingat na ingat akong mag mahal kasi ayokong masaktan. Hanggang makilala ko si Nikoy, di sya mayaman, di sya ganung katalino tulad nang gusto kong makapartner. Pero nakita ko ang pagiging maka diyos nya, pagiging masipag at sobrang pagmamahal nya sa pamilya.. isang bagay ding hinahanap ko at nasa kanya yun.

Katrabaho ko sya sa KFC, nakagawian na namin na pag nakasahod na e gumigimik kaming mga regular closer ng store, syempre di mawawala ang inuman at yosi... Nakuha nya attensyon ko kasi sa grupo sya lang ang hindi umiinom at nagyoyosi, pero nag aambag naman sya sa mga gastos namin. Yun lang pulutan ang binabantan nya hehehe... Hanggang sa maging mag kaibigan nga kami and at the end naging kami...

Sya yung unang lalakeng nakarelasyon ko at hinayaan kong mapamahal ako sa kanya kasi parang siguradong sigurado na akong di nya ako sasaktan. Dahil nga napakabait nya..

Pero kahit kami na, alam ko ang priority ko.. pag aaral.. pangalawa lang sya, pag malapit na ang exam di kami pwedeng magkita kasi mag aaral ako, kaso medyo may kakulitan itong si nikoy, nag iiwan sya ng sulat at bulaklak sa pinto ng boarding house namin, which is nakakilig naman in my part.. Never in my dream na ganun ka sweet ang makarelasyon ko. so super confident ako na everythin in us is well and fine.

Hanggang sa grumaduate sya at naiwan ako sa school.. Nagpatuloy sya sa KFC bilang manager. Sa 2 taon namin mahigit na magka relasyon never akong nagselos, kasi napaka confident ko na ok lahat sa amin. Lahat ng ipag paalam nya go lang ako ng go, kasi gusto ko ganun din sya sa akin, ayoko din na pakikialaman nya ako lalo na sa pag aaral. Nakakatawa minsan nag overnight kami sa classmate ko sa cavite na may caller id ang phone, may ring ng ring.. waaa i got surprised number nya yung nag ri ring.. pero di ko na lang pinansin kasi ayokong makantyawan.. he even check me every now and then basta may mga overnight kaming magkaka klase.. and for that reason i really feel that he trully loves me kaya naging loyal naman ako sa kanya.

Pero siguro may mali rin, masyado rin yata akong maluwag, at parang sya lang ang nag e effort.. so pag may time ako. dinadalaw ko rin sya for him to feel na special din naman sya sa akin. Dinadalaw ko sya sa work nya and dun na me meet ko mga crew nya. Sa may calamba sya that time naka assign.

Hanggang one day may ma receive akong mga messages, stating that my boyfriend is having an affair with another girl. I just ignor the text, hanggang merun ulit, and then i text back para matigil na sabi ko wrong send ka ata.. but the texter insist and hanggang i mention na nya name ni nikoy. So nung magkita kami ni nikoy tinanong ko sya, kilala mo ba ito? and he said no.. so thats it no daw e di no. pero i observed something strange kasi pag magkasama kami pinapatay nya cel nya. Sabi ko bakit? baka daw ma lo bat hehe.. and may frank caller daw. So sabi ko sakin din di tumitigil yung nag tetext, and i end up sa conclusion na baka may gustong manira sa amin. So i just ignore everything.

Kaso makulit itong nag tetext, hanggang she give details na parang napapniwala na nya ako.. working na ako that time. Imbis na sa work ako magtuloy e, i went to lucena city kasi dun sya naka assign that time. and ask him to be honest if he really loves me. Sabi ko ang tagal na nitong text na ito, i try to ignore it pero di tumitigil and parang totoo na kasi kung di totoo bakit may mga alam syang detalye about us. And he said it is true.. waaaa damn him. and i ask kung simplen bolhan lang or they go over it like what the texter are saying and he said yes.. awtz damn damn damn..He told me na he just try it out of curiosity and the girl really like him so he grab the oppurtunity.. yuck... i hate them.. and i cry and cry... sabi ko so ayoko na rin tama na.. he told me wag daw ako daw talaga.. sinubukan lang daw nya at least di pa kami married and he promised me na pag kasal na kami he wont do that again. And you know what kung anung nakakinis .. i even talk to this girl and eat with her in wendys knowing that he is a crew of my boyfriend so i am nice to her.. and ang super naka asar ng todo todo is, alam ng girl na dalawa kami and she just let it happen the girl is his crew at calamba. At ok lang sa kanya na dalawa kami.. Goshh nakakainis.. ako lang ang walang alam? damn me din pala huhuhu.. lahat pala ng mga ka work nya nun dun sa calamba alam na dalawa kami.. grrrrr.. parang nagmukha naman akong tanga nun.. grrrr talaga..

Nagtatalo ang isip at puso ko nun.. kaya nga ba ayokong magmahal e kasi ayokong masaktan. my mind tell me na, he can do it again kasi nagawa na nya minsan. But my heart says sayang pinagsamahan nyo. mag almost 3 yrs na rin kami nun.At isa pa naisip ko din bakit parang napaka trying hard naman nung girl na nasa lucena na si nikoy e patuloy pa rin sya sa paninira. so at the end i take a risk, ill try to follow my heart. And then we got married. But the first few months of marriage was really rediculuos in my part, naiisip ko waa baka ganito rin ginagawa nila.. So naging lukaret ako and laging galit sa kanya because of that weird imagination. But he just let me to be like that and wait me to forget everything.

So after 2 years pa ng marriage namin bago kami nagka baby. Sa mga oras na yun super saya na namin kasi complete na until another tragedy came.. ito na nga yung GBS. But my husband became so true to his word. He even stays on my side despite my disablities now. Napaka perfect father nya para sa anak ko and perfect husband to me. imagine almost 7 years na rin akong disbale but he remain true and faithfull kahit na super deteriorated na ako. Kaya para sa akin, yung pagbibigay ko ng second chance sa kanya is the best the decision i ever made. kasi baka kung hindi sya ang nakatuluyan ko baka matagal na akong iniwan sa kalagayan ko. I marry the right person and I'm glad na yung puso ko pinakinggan ko :-) and with the help of prayers na rin. God let me do the right decision and thats to follow what my heart say :-)

So tama pala.. every body deserves a second chance. :-)

Lunes, Hulyo 19, 2010

Lord puwede na ba magtanong ngayon kung bakit?

Naku di ko makaklimutan minsan nasabi kong "Lord ngayung pwede na ba magtanong kung bakit?". Kasi ni minsan di sumagi sa isip ko na maitatanong ko ito sa kanya.


Di sa pagbubuhat ng bangko pero isa ako sa mga taong Optimistic. Lahat ng bagay at pangyayari lagi kong binibigyan ng kahulugan, mapa pangit na pangyayari. Tanda ko dati nung nag tratrabaho ako bilang crew ng KFC kakasahod ko lang, winithdraw ko lahat ng sahod ko sabay nadukot ahehe... Syempre medyo nalungkot ako kasi nabaliwala yung paghihirap ko ng 2 linggo, napakadami ko pa naman pinawis sa paglilinis ng store at pag huhugas ng mga kagamitan. Idagdag mo pa yung mga pangyayari na may nakakaharap kang mga customer na akala mo kung itrato ka e alila nila haha.. Pero pagkatapos nun, sinabi ko na lang sa sarili ko swerte pa ako kasi wala akong sakit baka malaki pangangailangan nung nandukot na yun kaya ginawa nya yun., sana lang wag nya sa masama gamitin.

Sa lahat ng mga problemang dumating sa akin, ( Bago pa ako magkasakit) ni minsan di ako nagtanong ng bakit ba kailangan mangyari sa akin ito. Lagi ko tinitignan yung magagandang bagay. Pero di ko namn sinasabing perpekto ako no, may pagka maldita rin ako, ang ini emphasize ko lang dito e, ako yung taong hindi mo madaling mapalungkot ng dahil sa problema.

Nang bigla nga akong magkasakit, unang pasko at bagong taon sana namin bilang matatawag na pamilya, e hindi kami magkakasama. Kasi nasa ICU ako. kasama ko naman ang asawa ko kasi pumayag sila na pumasok ang bantay nung pasko at bagong taon. At yung anak ko na 7 buwan pa lang noon e nasa magulang ko. Kahit andun ako sa sitwasyong agaw buhay ang nasa isip ko pa rin "thy will be done".

Ang nakakatuwa nito nung ilabas na ako ng hospital, di ako pinalabas ng hospital hanggat di ko kayang makatagal umupo, kasi noon 15 minutes na di ako nakahiga nahihilo na ako nagbabago na agad ang BP ko. 
Nung mag isa na ako sa kuwarto, tinignan ko sarili ko sa salamin, waaaaa halos di ko makilala ang sarili ko. Bagsak ang kaliwa kong mukha tapos duling pa huhuhu... ok pa sana yun e kasi puwede naman ako mag shade di na lang ako ngingiti di na halata ^_~ parang pasuplada effect na lang. Ang masama di ako makalakad. Ilang beses ko sinubukan kaso lagi akong nasasaktan, bumabagsak ako kahit saang dereksyon.. paharap,patalikod,patagilid. Hanggang humampas ng matindi ang mukha ko sa tiles namin, noong araw na yun na troma na ako. Ayoko ng subukan ulit tumayo na walang tao sa Paligid ko na sasalo sa akin.

Nung minsan naiwan akong mag isa sa kuwarto. Nasilip ko ang anak ko mula sa bintana. Nasa crib naglalarong mag isa. Di sya iyakin, di sya mahirap alagaan. Parang alam nya na di sya dapat mag inarte. Nung mga oras na yun, Gusto kong tumayo para laruin sya, kaso di kaya ng paa ko, bigla kong nakita yung sacred heart of jesus namin napatanong ako " Lord pwede na ba ngayun mag tanong kung bakit?" bakit kailangan kong malumpo, bakit kailangan ako ang dapuan ng Guillan Barre Syndrome na yan. Bakit? 

Nung mga panahon na yun, halos mawalan na ako ng pananampalataya sa kanya. Gusto ko ng mamatay sabi ko sa asawa ko. Biglang sinabi sa akin ng asawa ko " huwag naman, Ipinagdasal ko pa naman na sana mabuhay ka at willing akong alagaan ka basta buhay ka lang tapos gusto mong mamatay?" . Nang mga oras na yun napangiti ako. at natigilan. Ngayon alam ko na kung bakit.. alam ko na ang dahilan... hindi ang dahilan kung bakit ako ang nalumpo at ang dahilan bakit ako ang dinapuan ng sakit na GBS. .. Ang alam ko na kung bakit binigyan pa ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon mabuhay. Kasi hiniling ng mga mahal ko sa buhay. At para rin masubaybayan ko ang pag laki ng anak ko.

Ngayon 7 taong gulang na ang anak ko at di siya nawawala sa honor role. Kasi nasusubaybayan ko sya.. Yun.. yun ang dahilan kung bakit andito pa ako. Biglang pumasok sa isip ko. Baka nung mga oras na agaw buhay ako, at  yung mga panahon na ang tumutulong na lang sa akin huminga e ang respirator.. baka ng mga oras na yun e oras ko na para mawala sa mundo. Binigyan lang ulit ako ng isa pang pagkakataon, ng pangalawang buhay kasi hiniling ng mga mahal ko sa buhay at dahil mahal nya ako :) Amen!

Linggo, Hulyo 18, 2010

"When you are Angry..think of the consequences"

Bakit ba tayong mga tao e ipinanganak na mapusok? ang bilis mag react sa lahat ng nangyayari na hindi muna ginagamitan ng isip kung tama ba ang reaksyon natin sa isang bagay?

Nung  nakaraang taon binibisita ko ang Assignment Notebook ng anak ko para bisitahin kung anu ang assignment nya para magawa na namin. Ang Assignment Notebook na yun e galing sa school nila kasama sa binayaran namin sa tuition fee nya. Habang binabasa ko yun, may humuli sa aking attensyon, yung quotation na nasa ilalim ng page ng notebook nya.. quotation galing kay Confucius.. ito yung quotation " When you are angry think of the Consequences".. Bigla akong napaisip.. sabi ko tama.. dapat talga pag galit ka isipin mu yung pwede mangyari sa gagawin at sasabihin mo dahil sa galit ka lang..

Minsan kasi nakakapagbitaw tayo ng masasakit na salita pag galit tayo, pagkatapos pag humupa na ang glait natin, pag sisihan natin yung mga sinabi at ginawa natin. Pero kung iisipin mo rin parang ang daling sabihin no? pero ang hirap gawin. Kasi pag galit ka na di ka na makapag isip ng maayos. Lahat ng gusto mong sabihin binabato mo basta mailabas mo lang ang galit mo.

Bigla ko tuloy naisip yung kuwento ni Incredible Hulk. Diba ayaw nyang magalit kasi baka maging incredible hulk sya. Ito kaya yung naging basihan nung writer ni incredible hulk ? hehehe.. siguro ganun din sya kaya naisip nyang sumulat ng ganung istorya, tignan mo naman ang resulta blockbuster at patok. May basihan kasi.

Ngayon tuloy pag nagaglit ako nag i-inhale exhale ako hahaha.. tulad nung ginagawa ni incredible hulk.. para kahit papaano e macontrol ko ang sarili ko. Pero tulad din nya may mga pagkakataon na di mo talga macontrol ang galit mo..sasabog at sasabog ka. 

Pero alam mo ba? malaking tulong sa akin  nung nabasa ko yang quotation na yan ni confucious, kasi kahit papaano e sinusubukan kong controlin ang sarili ko pag nagaglit ako. Ibinahagi ko  nga rin ito kay Nikoy ( tawag ko sa asawa ko.. short for Honey ko) Ngayon tuloy pag medyo naiinis ako sa kanya e..sabi ko naku tigilan mo muna ako at baka mag mala incredible hulk ako :) kahit papaano e, naiiwasan namin magtalo..Pero bihira rin namn kami magtalo tulad ng karamihan mag asawa, cguro dahil pag galit na ang isa, nanahimik na lang ang isa.. hinahayaan muna namin humupa ang galit ng kung sino man ang galit sa amin saka kami magpapaliwanagan pag di na galit ang isa.. Mahirap kasi magpaliwanag sa taong galit.. kasi di nakakpag isip ng tama..

Share ko lang itong quotation baka sakaling makatulong din sayo :-)

I earn 60 euro because of Imikimi


                                               I just want to blog this... I am not related to imikimi.com but i am one of so many people using it. And would you believe I earn 60 euro because of it unexpectedly and without intensions to earn from it.

How?

Here is the story, I have a friend in Greece, her name is Rochelle, she ask me a favor if i can make a design for her daughter upcoming birthday and Christening. Without hesitation I try to make a design first using my ms powerpoint. Then one day my 7 year old daughter saw one of our customer using imikimi to design his profile. My daughter became interested with it and try it by herself. I saw what she did on her profile and i got interested with it also. And then i told to my self why not use it in designing the invitation my friends ask me to do. And then i start designing her daughter invitation card.

She even ask me if i can design her poem for her mother in law and for her husband. And Because she is my Friend i said yes...

Then one day she told me that somebody ask her if i can design their sons invitation also. So she have their deal.And i have try different design from Imikimi. and to cut it short they pay me 50 euro for my design on their invitation card and 10euro for my design on their sons banner. It is just a little amount.. Yes.. But where can you get that? Imagine earning in no sweat :)

My Farmville Design Video

I was surprised when i find somebody posting my video on their blog so why not I? Here is my Video Design at youtube. My design here is not yet totally finished You can visit my farm if you like but i don't think i can add more another neighbors for i already have 300 neighbors in no time because of posting it in youtube :)

But you can still visit my Farm using the neighbor tab and click my name there :-)

Farmville Addicts



What so special about farmville that make a million people addicted to it? and I am one of them LoL ^_^

At first I just try it personally to know why there are so many people playing this game. and then i play it again until i got so many friends adding me even people whom i do not know personally. But would you believe? many of the person whom i do not know personally became my friends virtuaally in a sense that we want to know how they are and what do they do. and what fun about this game is you become friends to anybody around the world. And what i realized after is that its not the game who really makes me addicted to it but of course it so much fun seeing your farm growing and start making unique design of your farm. You know what it is? its the friends whom you encounter makes this game addicting :-)

Anak Ni Father?

Naniniwala ka ba na may mga Paring may anak? ano ang opinyon mo tungkol dito? dapat ba silang kamuhian o intindihin?

Ano ang magiging reaksyon mo kung halimbawang malaman mo na yung paboritong pari na gustong gusto mong mag misa at napakagaling mag sermon e may anak pala? magbabago ba ang tingin mo sa kanya? Kamumuhian mo ba sya kung napakabait naman nya sayo? dahil lang nalaman mong may anak sya?

Minsan talaga ang hirap maging malinis sa tingin ng maraming tao. Dahil kapag may nalaman na kunting pagkakamali mo e napaka dumi na ng tingin nila sayo.

Malamang sasabihin mo bakit pa sya nag pari e alam naman nya na ang pag papari ay kailangan ng celibacy? ito naman ang tanong ko sayo panu kung naordinahan na sya saka biglang dumating ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso. Babaeng di nya inaasahan na makasalamuha nya. Tao lang din naman sila diba? hindi sila santo, at meron din silang pakiramdam na tulad natin. Di naman kasi natin alam kung kailan darating si Mr. at Ms. Right.

Kaya Para sa akin, maaring hindi ka sang ayon, pero para sa akin e kailangang intindihin natin sila at unawain. Lalo na kung mabuti naman ang ipinakita nila sa atin. Huwag natin sila biglang huhusgahan. Sabi nga ni Hesus nung maraming nanghuhusga kay Magdalena, pumulot ng bato ang walang kasalanan at batuhin sya? may nangahas bang bumato? diba natigilan ang lahat? diba tama naman lahat tayo nagkakaron ng kasalan. Iba ibang level nga lang. Kaya di tayo dapat mabilis mang husga. :P

GBS Patient na Pinoy

Pinanganak ka bang Disabled na? o na disabled ka lang dahil nadisgrasya ka o nagkasakit ka?. Isa kasi ako sa mga tao na pinanganak na normal, wala kahit anuman na kapansanan. Pero Dinapuan ako ng sakit na GBS.. Guillan Barre Syndrome... sakit na narinig ko lang nung nagkasakit ako... Tapos Bigla na lang di ako makalakad.. nanghina daw muscles ko...
Katulad ba kita? ano ang una mong naramdaman ng hindi mo na maigalaw ang paa mo? ng pati simpleng isang basong tubig e di mo mabuhat? hayss.. ako grabe wala akong ginawa kung di umiyak.. umiyak ng umiyak.. Nagkataon pang 6 ina buwan sanggol pa lang anak ko ng magkasakit ako at mag 9 na buwan na sya ng makalabas ako ng hospital.. Di nga nya ako makilala kasi nag iba ang mukha ko bumagsak at napaka lalim ng boses ko na nasira ng respirator..
Bakit ako gumawa ng Blog??? Gusto ko kasing malaman ilang Pilipino kaya ang may sakit na GBS? o nagkasakit ng GBS? anong ginagawa nila ngayon? sabi kasi ng doktor ko 95% bumabalik sa near normal unfortunately isa ako sa 5% na hanggang ngayon e wheelchair Bound Pa rin..
Ano ang pinagkakaabalahan ng mga tulad kong GBS Patient.. ako kasi nagtayo ako ng maliit ng computer shop.. Para may libangan ako habang nasa trabaho ang asawa ko at nasa school ang anak ko..
GBS Patient ka ba? Kwentuhan tayo at kamustahan... Yakapin natin ang isat isa... at iparamdam na di tayo nag iisa :-)