Bakit ba tayong mga tao e ipinanganak na mapusok? ang bilis mag react sa lahat ng nangyayari na hindi muna ginagamitan ng isip kung tama ba ang reaksyon natin sa isang bagay?
Nung nakaraang taon binibisita ko ang Assignment Notebook ng anak ko para bisitahin kung anu ang assignment nya para magawa na namin. Ang Assignment Notebook na yun e galing sa school nila kasama sa binayaran namin sa tuition fee nya. Habang binabasa ko yun, may humuli sa aking attensyon, yung quotation na nasa ilalim ng page ng notebook nya.. quotation galing kay Confucius.. ito yung quotation " When you are angry think of the Consequences".. Bigla akong napaisip.. sabi ko tama.. dapat talga pag galit ka isipin mu yung pwede mangyari sa gagawin at sasabihin mo dahil sa galit ka lang..
Minsan kasi nakakapagbitaw tayo ng masasakit na salita pag galit tayo, pagkatapos pag humupa na ang glait natin, pag sisihan natin yung mga sinabi at ginawa natin. Pero kung iisipin mo rin parang ang daling sabihin no? pero ang hirap gawin. Kasi pag galit ka na di ka na makapag isip ng maayos. Lahat ng gusto mong sabihin binabato mo basta mailabas mo lang ang galit mo.
Bigla ko tuloy naisip yung kuwento ni Incredible Hulk. Diba ayaw nyang magalit kasi baka maging incredible hulk sya. Ito kaya yung naging basihan nung writer ni incredible hulk ? hehehe.. siguro ganun din sya kaya naisip nyang sumulat ng ganung istorya, tignan mo naman ang resulta blockbuster at patok. May basihan kasi.
Ngayon tuloy pag nagaglit ako nag i-inhale exhale ako hahaha.. tulad nung ginagawa ni incredible hulk.. para kahit papaano e macontrol ko ang sarili ko. Pero tulad din nya may mga pagkakataon na di mo talga macontrol ang galit mo..sasabog at sasabog ka.
Pero alam mo ba? malaking tulong sa akin nung nabasa ko yang quotation na yan ni confucious, kasi kahit papaano e sinusubukan kong controlin ang sarili ko pag nagaglit ako. Ibinahagi ko nga rin ito kay Nikoy ( tawag ko sa asawa ko.. short for Honey ko) Ngayon tuloy pag medyo naiinis ako sa kanya e..sabi ko naku tigilan mo muna ako at baka mag mala incredible hulk ako :) kahit papaano e, naiiwasan namin magtalo..Pero bihira rin namn kami magtalo tulad ng karamihan mag asawa, cguro dahil pag galit na ang isa, nanahimik na lang ang isa.. hinahayaan muna namin humupa ang galit ng kung sino man ang galit sa amin saka kami magpapaliwanagan pag di na galit ang isa.. Mahirap kasi magpaliwanag sa taong galit.. kasi di nakakpag isip ng tama..
Share ko lang itong quotation baka sakaling makatulong din sayo :-)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento