Biyernes, Setyembre 10, 2010

Human has its Fallen Nature! but still you need to Cheer Up =)

Bakit kaya may mga araw na di maganda ang mga pang yayari umagang umaga pa lang? 
Umaga pa lang sunod sunod na problema na ang kailangan mong harapin. Though i know na normal lang ito at hindi lang sa akin ito nangyayari. Nakakainis pa rin.

Sabagay.. sa tingin ko it is another lesson to be learn.. another experience na dapat kong maranasan para may matutuhan. Di naman kasi lahat ng pagkakataon e magaganda ang bubungad sa iyong pag gising. Pero kahit anong control ang gawin mo sa sarili mo di mo minsan ma i apply ang alam mong tama.
Totoo talaga na every human has its fallen nature. Meron tayong hindi kaya. Kasi hindi tayo perpekto! hindi tayo mga super heroes. Sabi nga ng isang kanta "Hindi ako si Darna". may mga kahinaan talaga tayo bilang tao! kahit ilang santo pa ang tawagin natin para tulungan tayong mag pigil ng galit, may mga oras na sasabog at sasabog na lang tayo!

Kahit minsan alam natin na di sa lahat ng pagkakataon ay aayon ang lahat sa ating mga kagustuhan. Pero pag may hindi umayon a little frustation will be felt. Pero ano pa nga ba ang pwede nating gawin? hindi naman kailangan paapekto na lang tayo buong araw at magmukmok sa kuwarto or manggalaiti ng manggalaiti na lang. Kailangan nating marelease ang Inis sa katawan natin para makapag relax tayo.

Sa akin, ito ang naging medium ko ang isulat na nainis ako ngayon umaga, at ipaalala sa sarili ko ang mga pangaral na binibigay ko sa mga kaibigan ko.Kailangan kong pangaralan ang sarili ko at iparealize sa akin na "Ganyan talaga ang Buhay!". At may solusyon dyan! maging mahinahon lang ako at walang maidudulot ang pag eentertain ko sa inis ko ngayon! lalo lang akong di makakapag isip ng tama.

In a way, nakatulong din dahil sa mga oras na nagta type ako ngayon e medyo kalmado na ako. Medyo nabawasan na yung yamot na nararamdaman ko kanina.Mabuti na lang at may blog ako. Kung saan pwede ako magsulat ng mga frustrations and happiness ko.

Tuwing magsusulat ako ng blog ko. Wala pa actually title lahat! naglalagay lang ako ng title pagkatapos kong mag sulat. Sa simula ng aking pag tatype di ko alam kung may maiisip akong title nito. ANg gusto ko lang gawin ay marelease ang hindi magandang pakiramdam na nararamdaman ko. Akalain mo, sa pagsusulat ko ngayon e another lesson nanaman talga ang na realize ko! na all humans talga has its fallen nature! kaya ito ang naisip ko na ilalagay kong titulo nitong sulat na nabuo ng dahil sa yamot hehehe..

Hayss.. ngayon ok na ang pakiramdam ko! ito lang pala ang dapat kong gawin hehehe... Kakakalurky!
at least by doing this e naging kunti lang ang damage ng pagkainis ko =).. Hay naku ang tao nga naman...
minsan sobrang saya! minsan naman bad day!...

But that is life! at habang buhay ka.. there are so much to learn and realize..Ang importante e hindi ka patatalo sa problema.. You have to be brave! magbuntong hininga ka na lang at magdasal pagkatapos. And at the end of the day magugulat ka na lang solve na ang problema mo. Just believe in him! and everything will be fine. We don't have to worry because he provides!.

Ok lang na sa simula e makaramdam tayo ng yamot.. basta ang importante, wag tayong mawawalan ng faith sa Diyos!. Kasi he is always there to help us and console us! kaya ano pa ba ang dapat gawin? e di mag Cheer up na! =)

Lunes, Setyembre 6, 2010

Love your Enemy

Minsan nagtataka tayo, bakit may mga taong napakasama ng ugali sa atin. Wala naman tayong maalala na masamang ginawa natin sa kanila. Minsan tuloy nakakapagtanim tayo ng sama ng loob sa kanila.

Umiiyak tayo dahil sa mga sakit na idinulot nila sa atin. Pero Minsan ba napansin mo, na dahil sa kanila kaya ka naging matatag? Minsan ba napansin mo na yung dating bagay  na ang bilis mong iyakan ay biglang nagiging parang wala na lang sayo?

Kaya minsan naisip ko. Ang mga taong nanakit sa atin ay isa lamang ding instrumento, para tayo ay maging matatag na tao.Naging pangit lang ang papel nila sa buhay natin, pero minsan kailangan natin silang pasalamatan na kung di dahil sa kanila, hindi natin mararating kung ano tayo ngayon.

May ibabahagi ako sa inyong kwento. Meron akong kakilala na isang taong probinsyano, na nangarap na mag aral sa Maynila. Para makarating sya dun ay namasukan sya sa kanyang tiyo bilang boy, wala syang sahod kungdi ang pag papaaral lang sa kanya. Mabait ang tiyo nya sa kaniya ngunit ang asawa nito ay di ganun sa kanya.

Masyadong Makwenta ang tiya nito, alam natin ang gastos pag ikaw ay nasa koleheyo na.Kahit sabihin mo pa na sa isang pampublikong unibersidad ka pa nag aaral. Maaring mura lang ang tuition fee dito. Ngunit ang presyo ng Libro at pagkain ay katulad din ng presyo sa pribadong unibersidad. Ngunit alam nyo ba? ang ibinibigay lang sa kaibigan kong ito ay kanya lamang pamasahe, walang kasamang pang kain. Pagdating sa bahay ng kanyang mga tiyo ay pinagdadamutan pa siya ng kahit na malamig na tubig lamang. At ang ipinapakain sa kanya ay mga kanin na panis na.

Ngunit alam nyo ba, sa kabila ng lahat ay hindi ito nanghinanakit sa kanyang tiyo at sa asawa nito. Para sa kanya.Kung di dahil sa kanila ay di niya mararating ang maynila. Nalugi ang negosyo ng kanyang tiyo at nagdesisyon ang mga ito na umuwi sa probinsya ng asawa nito.Nagpaiwan na lang itong kaibigan ko at naghanap ng kanyang ibang mapapasukan dahil ayaw nya masira ang kanyang pag aaral.

At dahil sa hirap na dinanas nya sa kanyang tiyo at sa asawa nito, wala ng kahit anong dumaan sa kanyang trabaho na nahihirapan sya. Dahil kung ikukumpara ang hirap na dinadanas nya ay wala pa sa kalingkingan ng nadanas na niya. Kaya itong kaibigan ko ay nabuhay ng matatag at sanay sa lahat ng pag subok.

Ngayon, meron na syang magandang trabaho at kumikita ng maayos. Hindi man sya kasing ginhawa ng iba, pero mas maginhawa sya sa iba nyang kasabayan. At hanggang ngayon ay patuloy pa rin syang lumalaban sa pagsubok ng buhay at nanatiling matatag.

Nang mabalitaan nya na namatay ang asawa ng kanyang tiyo dahil sa sakit na cancer ay nagpunta sya dun at dumalaw. Tinanong ko sya pagkagaling nya sa burol, kamusta? naaawa daw sya sa naging pagkamatay ng asawa ng kanyang tiyo. naitanong ko sa kanya kung bakit pa sya nagpunta dun sa kabila ng lahat ng mga ginawa nila sa kanya, at ito ang sagot nya " kung di dahil sa kanila, hindi ko mararating kung nasan ako ngayon".

At noon naisip ko, na ang mga taong minsan e kontrabida sa ating buhay. Ay isa lamang ding instrumento para maging matatag tayo. Ang kanilang sakit na idinulot sa ating damdamin ang nagpapamanhid sa atin sa mga problemang dumarating sa atin. Kaya nasabi ko sa aking sarili totoo nga siguro ang kasabihan na ang mga sundalo ay lalong tumatapang kapag nasusugatan.

Kaya maling magtanim tayo ng sama ng loob sa kanila, bagkus ay mahalin pa rin natin sila at pasalamatan. Dahil sa dahilang, nang dahil sa kanila ay kaya tayo nahubog. Huwag tayong manliliit sa ating sarili, kung di dapat natin silang gawing inspirasyon para matupad natin ang nais natin. Gawin nating hamon ang mga sinabi o ginawa nilang nakasakit sa atin para mas maging mabuting tao.Huwag tayong magtanim ng galit upang mas mabuhay tayo ng matiwasay.