Hmmm Paano ko ba ito sisimulan....Kasi sa mga oras na ito i was so amused kung paano ako yakapin ni God at paano nya ako pasayahin.. sabi ko nga grabe nalulunod na ako...
I was so down nung magkagulo sa bahay namin.. mga 2yrs ago..Grabe halos lahat ng ipon namin e naubos sa trucking ... tapos sobra nag iyak ko.. halos gabi gabi ata.. nagkaaway kasi kami ng husband ng kapatid ko nun.. and dumating sa point na sinaktan ako.. Syempre parang bata, kay mama ako unang nagsumbong, pero wala sya reaction as if ako pa ang may mali.. so we decided to make a legal action.. pinabarangay namin sya.. but guess what nagalit pa sa akin ang daddy ko :((.....
During that time Asawa ko lang ang kakampi ko. Sya lang ang ang taong nasa side ko. We decided to sue him on court. It is violation against women lalo na disable ako and sabi ng Abogado namin from PAO malakas ang laban namin.
Pero sabi ng dad ko tigilan ko raw ang kalokohan ko. Kung mahal ko sya i will not sue my sister's husband. And isipin ko na lang daw kapatid ko rin ang mag sa suffer sa huli. So masakit man sa loob ko di ko tinuloy. And my husband agree with me.. kung anu daw desisyon ko susuportahan nya raw ako all the way.
I was so hurt that time. My God para akong walang magulang, I just pray to him na bahala na sya sa akin at sa nanakit sa akin. Ipinasasa diyos ko na lang ang lahat. But i can't stop my tears from falling everytime i remember na My parents did not go on my side. I feel so depressed. Pero sabi ko kay Lord, di bale lord alam ko naman ikaw at asawa ko ang kakampi ko so Ok na ako dun. Pero syempre tao pa rin ako basta maalala ko yun naiiyak ako.
That year lumipat kami ng tarlac, but the owner of the house advise us na gagmitin na nila ang bahay at ipapa repair daw nila..Waaa another dagok nanaman paano yung nagastos namin pang trucking papuntang tarlac? para kaming nagtapon ng pera. So We decided na umuwi na lang ng Lipa, at dun na lang sa kinuha namin bahay sa Pagibig manirahan. another trucking expense, another waste of money, time and effort!
Habang bumibyahe nun. It was my birthday nung lumipat kami ng Lipa. Sabi ko O my God, wag mo akong iiwan. Dito ka lang sa tabi ko. Dito ka lang sa tabi namin. Sana makayanan namin ito lahat. Grabe as in simot ang bank account namin! closed account!
Kailangan palipat ng husband ko sa Lipa, para masamahan kami mag ina. Pero sabi ng company nya maghintay daw, naghintay kami kaso inamin sa amin na mahihirapan daw sya mailipat sa batangas area kasi provincial rate. Masyado daw malaki ang sahod nya pag ibinato sya sa Batangas kaya hindi sya tinaggap sa batangas area. Ang pinaka malapit sa amin na manila area is Alabang. Araw araw sya bumibyahe. Alabang to Lipa. Hanggang magkaroon ng rotations napalayo pa sya kasi napunta sya ng Las Pinas. Still tiniis namin. everyday halos 300 pesos per day ang pamsahe nya. Halos mapunta na lang sa pamsahe nya ang sahod nya. Sabi namin naku hindi pwede ito. Nag aaral na ang anak namin lumalaki na ang gastusin. Halos di na kami nagkakasama..matutulog lang sya sa bahay bukas gigising ulit sya para pumasok sa work. Magsasaing na sya para sa amin mag-ina. Tapos bili na lang ng lutong ulam kung may pera o kaya prito na lang kaming anak ko ng itlog. tapos alis na sya. Nagkakasama lang kami ng buong araw pag rest day nya sa trabaho. Sabi ko grabe ney daig mo pa nasa abroad di na tayo nagkakausap ng matagal. Pag rest day mo na lang. Pero hindi kami bumitiw sa paniniwalang tutulungan kami ng diyos. at para naman madagdagan ko ang oras ng pag uusap namin lagi ko hinihintay ang pag uwi nya. Kadalasan madaling araw. Tapos ipagluluto ko sya ng noodles para naman may mahigop syang mainit na sabaw. More than one year na ganito ang scenario namin.
Last option namin ang pag aabroad kasi ayaw namin na magkahiwalay hiwalay kami. Kasi ang isa't isa na lang ang meron kami. Pero we have to sacrifice.Hanggang mapagkasunduan namin na sige na nga mag abroad ka na lang . Baka hindi ka pa ganyan kapagod. So post namin ang resume nya sa mga job site. Parang may tumutulong naman sa amin ang bilis ng pangyayari. Someone offer him na send sa kanya ang resume at susubukan ipasa sa employer nya baka sakali. And ilang araw lang tinawagan na nga sya. We go as family sa Manila nung araw ng interview nya. Iniwan na lang nya kaming mag ina sa Mall of Asia para dun sya hintayin.
Pagdating nya positive daw ang results.tinanong nya ako sigurado na daw ba akong kaya ko na wala sya. Sya kasi ang tumatayong paa ko. Wala akong kilos na wala sya sa tabi ko. Kahit di ko alam ang sagot sabi ko kung Gods will sige tumuloy ka humingi tayo ng mga signs. Nung una the agency is asking him na baguhin ang diploma nya, Journalism graduate kasi sya malayo daw sa experience nya na Management. Para daw pumasa sya sa MOM ng Singapore dapat Management graduate sya. Alam namin mali yun. So yun ang hiningi naming sign. Wala kaming babaguhin sa Diploma nya, pag nakapasa sya ng MOM na hindi namin ina alter ang diploma nya ibig sabihin payag ang diyos na mag abroad sya. Pero Pag hindi siguro kailangan nya mag stay dito sa tabi naming mag ina. And after 1 week nag text yung agency congratulating my husband kasi pumasa sya sa MOM. tuwang tuwa pati yung agency kasi super legal ang pag pasok nya sa singapore :).
So that was the first blessing na nareceive namin after ng masalimuot na pangyayari sa amin ng halos buong 2009. And Mula noon grabe sunod sunod na ang ang tulong na natatanggap namin. As if God is holding our hands ang guiding us to the right path. Alam nyo pa during that time. Naranasan ko yung sinasabing isang kahig isang tuka. Kasi kada sahod ni husband enough lang pang kain namin at pamasahe nya para sa pag pasok sa trabaho. Kadalasan nga namin ulam e noodles at prtiong itlog . Pero pag bagong sahod naman e we treat our self naman ng masarap na ulam :)). So paano ngayon, nakapasa nga sya, saan kami kukuha ng pang eroplano nya? ng pang renta nya ng bahay? ng pamasahe nya habang hindi pa sya sumasahod?. Still we pray if it is Gods will masosolve namin yang mga problem na yan. While waiting for his backpay. A friend from Lipa chat with me, it is my husband former classmate, hi and hello and asking how are we. So na i kwento namin na Mag aabroad si Ed. Naghahanap pa lang kami ng pang gastos. And she offer her help, sabi nya i have here 10k pesos it might help you. At first hesitant akong tanggapin kasi nahihiya ako. Kaso kailangan namin so tinanggap ko. Then on the process i am chatting all the way to my former boardmate Cherry Cagurungan and former college classmate Angely Reforma asking how is singapore looks like yung mga legal advises sa kanila ako humihingi. kasi sila ang nandun. Sila rin nagsabi sa akin na wag naming i alter ng diploma ni Ed, kasi delikado yun. and nung mabalitaan nila na Ok na. Natuwa din sila para sa amin. And My friend Cherry offer na sila na muna magbo book ng tickets, then after that, si Angely naman offer us na pahiramin muna kami ng pang rent ng bahay. Waaaaaaaa everything is ok na! plantsado na lahat. Sabi namin. Grabe pag ang Diyos talaga ang gumalaw everything will be fine. God really provides!
Akala ko yun na yun.. September 26, 2010 naka alis si husband. Akalain mo this year January 18, 2011 nagkamustahan kami ni Col. Tesalona may former Classmate nung Highschool. Nagkwekwentuhan lang. Hanggang sa sabihin nya sa akin na gusto daw nya mag fund raising concert para mapa operahan ang mata ko. Mahiyain ako sa mga ganun. Pero ewan ko ba bakit nung sabihin sa akin yun ni Col. sabi ko agad thank you. Sige ok lang sa akin sino ba naman ako para tumanggi sa tulongTapos di ko nammalayan tumutulo nanaman ang luha ko, i do not know kung dahil sa sobrang tuwa or sobrang gulat na nangyayari ba talaga ito. I know it is his will. At parang sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi pa nasisimulan ang event wala pang official na venue and dates may tumulong na :).
Minsan nag seself realization ako. May nagawa ba akong mabuti para matanggap ko lahat ng ito? sumagi sa isip ko baka kasi tuwing kausap ko mga kaibigan ko lagi nilang sinasabi. We will pray for you Anna. I will include you in my Prayer. Sabi ko Baka ito na yun! Ito na yung magic ng Prayer nila. At ng prayer din namin mag asawa. Minsan nabasa ko sa bible nakalagay dun nakalimutan ko na kung anong verse pero nakalagay dun, pag may gusto ka mangyari at maraming nagdadsal para dito mas madali nya mapapagbigyan :).
Kaya Salamat! Salamat ng mga nagdadasal para sa akin. Alam ko katulong ko kayo sa pagdadasal kaya madali akong pinapakinggan ng Diyos.
At Sabi ko kay Col. Baka ang event na magaganap e hindi coincidence. Sinadya ng Diyos na maganap yun. Para masabi ko ang magandang balita. Ang Magandang Balita na Gods Answer our Prayers! in perfect time! Just Believe. Because He really Provides! Hindi man natin sya nakikita gumagamit sya ng mga instrumento para tulungan tayo. Naalala ko tuloy yung sabi sa akin ng friend kong si Cherry Cagurungan.. Nung mag thank you ako sa kanya sa ginawa nya pag guide sa amin ng husband ko.. sabi nya " Mama, God Whisper us to do that!". Nung Marinig ko yun sa kanya i really feel the presence of the lord.. smiling at me and embracing me. Parang sinasabi nya na " Kaya Anak huwag ka ng IIYAK mahal Kita" Amen...