Ano ang magiging reaksyon mo kung halimbawang malaman mo na yung paboritong pari na gustong gusto mong mag misa at napakagaling mag sermon e may anak pala? magbabago ba ang tingin mo sa kanya? Kamumuhian mo ba sya kung napakabait naman nya sayo? dahil lang nalaman mong may anak sya?Minsan talaga ang hirap maging malinis sa tingin ng maraming tao. Dahil kapag may nalaman na kunting pagkakamali mo e napaka dumi na ng tingin nila sayo.
Malamang sasabihin mo bakit pa sya nag pari e alam naman nya na ang pag papari ay kailangan ng celibacy? ito naman ang tanong ko sayo panu kung naordinahan na sya saka biglang dumating ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso. Babaeng di nya inaasahan na makasalamuha nya. Tao lang din naman sila diba? hindi sila santo, at meron din silang pakiramdam na tulad natin. Di naman kasi natin alam kung kailan darating si Mr. at Ms. Right.
Kaya Para sa akin, maaring hindi ka sang ayon, pero para sa akin e kailangang intindihin natin sila at unawain. Lalo na kung mabuti naman ang ipinakita nila sa atin. Huwag natin sila biglang huhusgahan. Sabi nga ni Hesus nung maraming nanghuhusga kay Magdalena, pumulot ng bato ang walang kasalanan at batuhin sya? may nangahas bang bumato? diba natigilan ang lahat? diba tama naman lahat tayo nagkakaron ng kasalan. Iba ibang level nga lang. Kaya di tayo dapat mabilis mang husga. :P
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento